Friday, February 04, 2005

is dis me?

*sigh* dis is d first friday in almost 3 months na i've got nowhere to go... kaya eto ko sa opisina..tinapos ang anumang pwedeng gawin...masipag? hinde noh! naisip ko na mas makabubuti na magtrabaho nlng ako kesa magmukmok sa kung saang sulok at tumitig sa kawalan... at maghintay ng maghintay sa WALA... eto nanaman ako...sya nanaman ba ang topic ko? nde naman pangalawa lng ito noh... kung susuriin ko tlgang mabuti at paiiralin ang utak ko bakit ko pa nga ba sya iniisip eh gayong nde naman ako sigurado kung ako nga laman ng isip nun...malay natin bka nga maalala nya rin ako (oo! pagnagkaroon na ng kilay ang painting ni monalisa)...or d kaya't tawagan nya ko (ano ba! cge pag kumain na ng isaw at ulo ng manok si juju---sino si juju? ahh sya ang ofis mate ko at maaring maituring na kaibigan na rin na ubod ng selan...pero wag ka kumakain ng pwet ng manok un)...oo na alam kong imposible mga iniisip ko SA NGAYON pero malay mo...destiny ko sya (aba'y lalo yatang lumalabo ang usapan)... sa totoo lng nahihiya na ko sa kaibigan kong panot este matalik kung aking maituturing (dba? tma ba ko?) sa buong hapon na ito ay wala akong bukambibig sa kanya kundi ang mga hinaing ko sa buhay...syempre ksama na ang dinadaing ko ngaun... pasalamat nga ako at napagtyagaan nya kong pakinggan...pagkatapos nito papabasa ko to sa kanya nang mabatukan ako sa mga pantasya ko hehehe... pro nakakatuwa dhel kahit nagkakaganto ko ngaun eh may natapos akong trabaho...iba pala epekto mo skin pre! hamo...sa susunod na appearance ko dito eh maayos na ang takbo ng utak ko...o sya sya tama na nga tong walang kabuluhang pinagsusulat ko dito...basta sna magka kulay na ang mundo! maidagdag ko lng...kung gano kagulo ang buhok ko ngaun eh ganun din kagulo buhay ko (pro nde rin, oo nah! mas magulo na buhok ko keysa sa buhay ko)...bkit? kze un buhok ko eh parang dinaanan ng sandamakmak na gutom na ibon, dagdagan pa ng tsunami sa thailand at un tornado na nagdala kay dorothy sa ibang lugar... eh pano naman nagsawa na ko sa parang parating hinot oil na buhok ko hehehe (ayan humangin lalo)...

ano ba to!!!! lalo lang akong nalungkot...tama ba namang magtxt un kaibigan ko at manginggit (well pinaalam nya lng naman na nasa isang bar sya na bagong bukas at napakaganda...ang intensyon eh nde para inggitin ako) pero un na nga nakakaasar... nde raw nya ko inimbitahan dhel kala nya may lakad ako... o sya sya makauwi na nga at ang aking ina ay naghuhurumintado na... pasensya na sa mga "shala" kung medyo nababaduyan sa nasusulat dito..yaan nyo after ng english skills training ko sana lng matuto kong magingles hehehe :) (dala lng to ng matinding pangungulila at gutom hahah)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home